Ito ang pangatlong bahagi ng ating tálakayin. Ang China ay isa sa mga pangunahing bansa sa pagluluwas ng produkto sa pamilihang pandaigdig, nguni’t ang pagtumal ng exports sa nakaraang ilang taon ay nagtulak sa mga kumpanya nito na palakasin ang kanilang sariling merkado. Natuklasan nila na ang malaking bahagi ng kanilang pamilihan ay kontrolado ng mga produktong dayuhan. Dahil dito, naglunsad ang mga kumpanyang Chino ng sariling tatak ng iba’t ibang produkto. Ang bentahe nila ay kabisado nila ang panlasa ng sariling kababayan, at ito ang ginamit nila sa pakikipagtunggali sa produktong tatak-dayuhan.

Sa Pilipinas, ang kompetisyon sa pagitan ng mga produktong lokal at dayuhan ay nagaganap sa loob ng malalaking shopping mall. Kung ang bilang ang pag-uusapan, nakalalamang ang mga tindahang eksklusibo ng mga produktong dayuhan, gaya ng pabango, sapatos at damit. Higit na nakararami ang mga tindahan o boutique ng mga kilalang tatak-dayuhan.

Sa kabila nito, naniniwala ako na kayang makipagtunggali ng mga produktong Pilipino sa mga dayuhan. Magandang halimbawa ang Jollibee, na ngayon ay pangunahing tatak sa larangan ng pagkain, at naglunsad pa ng kampanya para maging pandaigdig na tatak. Gaya ng mga kumpanyang Chino, bentahe rin ng mga negosyanteng Pilipino ang kaalaman sa panlasa ng kanilang mga kababayan. Higit ding mababa ang halaga ng paggawa ng mga produkto sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa.

Kailangan nating harapin ang katotohanan na mahigpit ang kumpetisyon sa negosyong tingian. Sa aking pananaw, lalong iigting ang kumpetisyon dahil maraming kumpanyang dayuhan ang naaakit maglunsad ng kanilang mga produkto sa Pilipinas dahil sa mabilis na pagsulong ng ating ekonomiya. Maaaring nakauungos tayo sa ilang larangan gaya ng pagkain, nguni’t nahuhuli sa ibang produkto, kaya lalong dapat pataasin ang kalidad ng mga produktong Pilipino.

National

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar

(Durugtungan)