Naunahan ka sa pila sa bayaran ng bill. Ilang millimeter na lang tatamaan na ang mukha mo ng siko ng katabi mo sa jeep habang naghalukay ito sa kanyang bag ng ilang barya. Umebak na naman sa tapat ng gate ng bahay mo ang aso ng iyong kapitbahay. Sinimot na naman ng asawa mo ang laman ng wallet mo. Nagsiga ng damo at basura ang iyong kapitbahay matapos mong isampay ang kahuli-hulihang puting kamisetang iyong nilabhan. Natalsikan ka ng maruming tubig mula sa baha nang humarurot ang jeep. Ginabi na naman ng uwi ang anak mo dahil sa kalalaro ng computer games sa Internet Café. Mali ang pagkaing inihain sa iyo sa restaurant.

Nangyayari ang mga bagay-bagay na ikinaiirita o ikinagagalit o ikinabubuwisit natin. Ito ang mga bagay na hindi naman natin maiwasan sapagkat naturaleza na natin ang pagtiisan ang mga iyon. Ngunit dumarating tayo sa puntong halis sumabog ang dibdib natin sa galit o sa inis kaya nagrereklamo tayo, minsan nagmumura, kasi hindi natin maalis sa ating sistema ang pagkagalit, pagkainis, at pagsigaw bunga ng matinding iritasyon.

Ang ating mga reaksiyon sa mga situwasyon ay nakaprograma tulad na lang ng pagtataas ng ating boses sa ating makulit na kapatid o anak dahil sa kupad itong kumilos habang gahol na sa panahon sa pagpasok sa eskuwela, sa pag-rolyo ng ating mga mata kapag hindi natin nagustuhan ang sinabi ng ating colleague sa isang pulong, Kaya sa halip na maapektuhan ang ating mood at umakyat ng ilang pulang guhit sa metro ng pagtitimpi ang iyong galit, kailangan natin ng kaunting reprogramming. Kailangang tanggapin natin ang mga pangyayari. Hindi natin kailangang sumang-ayon na lang sa mga pangyayari kundi ang tanggapin na naroon na iyon upang maging angkop ang ating pagtugon, mag-move on, at huwag madurog ng bigat ng negatibong enerhiya.

Kaya sa susunod na magbusina sa tapat ng kapitbahay mo ang isang bisita nitong naka-kotse sa katahimikan gabi o umubo nang umubo ang sexy na babaeng katabi mo sa LRT nang hindi tinatakpan ang malaki niyang bibig o may kumain ng nirereserba mong leche flan sa ref, malalaman mo bukas ang ilan sa mga dapat mong gawin.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

Sundan bukas.