U.S. singers Lady Gaga and Tony Bennett hold a news conference ahead of their concert in Brussels

BRUSSELS (Reuters) – Magsasama sina Lady Gaga at Tony Bennett, na 60 taon ang agwat ng edad, sa isang jazz album na inilunsad nila noong Lunes. Dahil dito, ikukubli muna ni Lady Gaga ang kanyang wacky image at sweet harmonies muna ang kanyang aawitin.

Pinamagatang Cheek to Cheek, na inilabas na sa market simula kahapon matapos ang Renaissance-themed concert nila sa Brussels, tampok sa album ang ilan sa mga awitin nina Cole Porter, Duke Ellington at marami pang jazz artists na malayung-malayo sa genre ni Gaga.

“When I began writing music for the music industry, I became known as the quirky girl from downtown New York,” sabi ni Lady Gaga sa news conference sa 15th-century city hall. “So I tailored my music to be that way, to get noticed, to be able to travel more and play more shows,” dagdag pa ng 28-anyos na singer na nakilala at hinangaan dahil sa kanyang kakaibang costumes sa bawat pagtatanghal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngunit sa suot na blue velvet na may two-meter trail, mas nagmukhang 1950’s Hollywood star si Lady Gaga kaysa queen of MTV ng 2014 — pero mukha pa rin silang maglolo ni Tony kapag magkatabi.

“I feel liberated,” sambit niya habang hawak ang kamay ng kapwa Italian-American New Yorker, “It’s been over eight years and I’ve not been singing out. But Tony will not accept any less than all of me.”

Nagkakilala sina Gaga at Tony sa isang charity concert sa New York noong 2011 at hindi nagtagal ay gumawa ng kanilang sariling bersiyon ng The Lady is a Tramp para sa album ni Tony na Duets II.

“I was overjoyed that he had heard that I’d been singing jazz for so long, perhaps I was even afraid that I had lost that part of me,” pahayag ni Lady Gaga.

Sumikat sa kanyang awiting Because of You noong 1951, sinabi ni Tony na mas gusto niya ang kasimplihan ng jazz. ”I started the very same way as she did, with thousands of people cheering,” aniya. “Later on I said I want to keep it in a simple way. Instead of the big stadiums, I’d like to play in fine acoustical homes.”

Personal na pinili nina Gaga at Tony ang Grand-Place para maging venue ng launching concert nila para sa album. Sa pagkakataong ito, nagpakasimple si Lady Gaga suot ang isang glittery gold cocktail dress, na isinuot niya hanggang sa pagtatapos ng konsiyerto.

Sa loob ng halos 30 minuto, itinanghal ng dalawa ang mga awiting nakapaloob sa kanilang album kasama na ang It Don’t Mean a Thing at ang malumanay na Lush Life ni Lady Gaga. Dumalo ang halos 5000 katao para manood ng kanilang concert.