UNITED NATIONS (AP) — Inaprubahan ng United Nations General Assembly noong Lunes ang isang dokumento na nagpapatatag sa mga karapatan ng mga katutubo sa mundo. Ang Outcome Document ay inendorso sa pagsisimula ng unang World Conference on Indigenous Peoples.

Tinipon ng okasyon ang mahigit 1,000 delegado mula sa mga komunidad ng mga katutubo kasama ang iba’t ibang pinuno ng estado at mga opisyal ng UN.

Sinabi ni Secretary-General Ban Ki-moon na ang mga katutubo ay “central to our discourse of human rights and global development” at may mahalagang papel sa pagsusulong ng mas masususportahang paggamit ng mga likas na yaman.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!