Japeth-Aguilar-vs-India-550x399

Laro bukas: (Hwaseong Sports Complex Gymnasium)

1:00 pm Philippines vs Iran

Siniguro ng Pilipinas ang pagtuntong sa quarterfinals kahapon matapos na biguin ang India, 85-76, sa una sa dalawang laro sa preliminary round sa Group E basketball event sa ginaganap na 17th Asian Games sa Hwaseong Sports Complex Gymnasium.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mainit ang pagsisimula ng Pilipinas matapos na agad na umarangkada sa pagtala ng 16 sunod na puntos bago nakasagot ang India para sa 18-2 iskor sa unang yugto at hindi na nilingon pa ang kalaban tungo sa pagposte sa importanteng panalo.

Itinala ng Gilas ang pinakamalaking abante sa 19 puntos sa ikatlong yugto, 69-50, bago na lamang nagpilit na humabol ang India na nagawang ibaba sa 8 puntos ang kanilang paghahabol sa 76-84.

Gayunman, kinapos ito sa oras matapos sayangin ng Pilipinas ang mga krusyal na segundo sa laro.

Huling hinawakan ng Gilas ang 84-65 abante bago naghulog ang India ng 12-0 pag-atake, tampok ang tatlong tres tungo sa huling 54 segundo. Tanging naisagot ng Gilas ang split free-throw ni Jimmy Alapag sa huling 23 segundo na nagpreserba sa panalo ng Pilipinas.

Pinamunuan ni Jeff Chan at Marcus Douthit ang Pilipinas sa pagkasa ng tig-14 puntos habang may 13 puntos si Gary David at Junemar Fajardo na mayroong 12. May tig-10 naman sina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

Unag umarangkada ang Gilas sa ikalawang yugto matapos na itarak ang pinakamalaking abante sa 17 puntos, 47-30, tungo sa pagkapit sa 50-37 abante sa unang half.

Nagawa naman makaiwas ng Kazakshtan na mapunta sa Group C na kinabibilangan ng FIBA Asia Men’s champion na Iran at naging runner-up na Pilipinas matapos ang kaduda-dudang pagkatalo nila sa India sa pinakahuling laro sa krusyal na qualifying round.

Ang kabiguan ng Kzakshtan kontra India, 61-80, ay nagdulot ng pagtatabla sa pagitan ng tatlong koponan na may kartadang 2-1 (panalo-talo), kasama ang Saudi Arabia na nagwagi naman sa Palestine, 73-67. Ginamit ang quotient system upang resolbahan ang pagtatabla kung saan nanguna ang India at ikalawa ang Kazakshtan.

Tinalo ng Kazakshtan ang Kingdom of Saudi Arabia, 89-59, at ang Palestine, 72-50. Tinalo naman ng Saudi Arabia ang India, 73-67, at Palestine, 89-71. Nagwagi ang India kontra sa Palestine, 89-49.

Bunga ng quotient, napunta ang India sa Group E kontra Iran at Pilipinas habang nalaglag ang Kazakshtan sa Group C kung saan ay makakaharap nito ang madalas na talunin na Chinese Taipei at ang nagtatanggol na kampeon na China.