INCHEON– Si Ryan Gregorio ay nasa sidelines noong Lunes, nagkaroon ng pakikipag-usap sa ilang Gilas players.

May hawak itong bola, idrinibol ng ilang beses bago ito ipinasa kay team skipper Jimmy Alapag na natagpuan ang net mula sa kanyang three-point arc.

Hindi siya magpapakita, at sa kanyang saloobin, batid ni Gregorio na mamimiss niya ang laro.

Nagkaroon ng pagbabago sa mga plano, ang 2014 Asian Games ang kanya nang huling pagkakataon bilang miyembro ng coaching staff sa kahit sinong basketball team.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Gregorio, minanduhan ang Meralco sa dalawang seasons, ay sinipa paitaas sa hagdanan. Siya na ngayon ang assistant vice-president at head ng Sports at Youth Advocacy ng Meralco.

Si Gregorio, kasama si Jay Washington, ang nakatira sa labas ng Athletes’ Village.

Sa katotohanan ay ‘di na sila bahagi ng national basketball team.

Ngunit kapwa sila nagkaroon ng importanteng panahon para makipaglaro sa squad.

Si Washington, isusuot ang jersey ng Talk ‘N Text sa darating na PBA season, ay nagtungo rito bilang isang practice player at cheerleader.

Habang si Gregorio ay nagsilbing assistant coach na ang primary duty ay para mag-scout ng individual players sa mga kalabang koponan.

Kinuha ang kanyang I-Pad, ipinakita ni Gregorio ang mga koponan na kanyang na-scout, kasama na ang mga koponan na naging bahagi sa nakaraang FIBA World Cup sa Spain.

Nalinis na nakaayos na gamit ang national flag ng bawat koponan bilang icon, pinindot ni Gregorio ang icon at ang listahan ng players na lumabas kasama ang kanilang statistics at playing styles.

“It is now easy with technology. With Viber, I can just send these to anyone. No need for written notes,” pahayag nito.

Isinaalala ni Gregorio ang isang instance sa Spain kung saan ay isang coach mula sa Argentina ang nakakita sa kanya habang gamit ang kanyang I-Pad.

“The guy was surprised we’re already doing this in the Philippines,” saad ni Gregorio na mayroong tatlong PBA titles sa ilalim ng kanyang belt sa Purefoods.

Bagamat sanay ito sa gadgets, ‘di naman pursigido si Gregorio sa Facebook, Twitter o Instagram.

“Mahirap na, baka magkabukuhan,” nangingiting sinabi nito.

Sa katunayan ay may pekeng Ryan Gregorio account sa Faceboo kung saan ay agad na tiningnan ng 12-year PBA coach.

“Baka kasi kung anu-ano ilagay,” giit nito.

Sinabi ni Gregorio na ‘di na mai-enjoy ng Gilas ang elemento ng mga sorpresa sa kanilang tangka na tapusin na 52-year gold medal drought sa Asiad.

“Unlike in the FIBA World Cup, Gilas will be well scouted. Our opponents know us in and out. But the good thing is, the players will go into the court with supreme confidence,” dagdag nito.

Tumatakbo ang basketball sa kaisipan ni Gregorio at walang masosorpresa kung magbabalik ito sa bench sa mga susunod na panahon.

Nakasuot ito ng puting t-shirt at nakasulat doon ang katagang: “Pilipinas Never Stops.” - Rey Bancod