Ni SAMUEL P. MEDENILLA

Malabo nang magkatotoo ang panukalang isa pang termino para kay Pangulong Benigno S. Aquino III.

Ito ang paniniwala ni Romulo Macalintal, isang beteranong election lawyer, na nagsabing “moot and academic” na isa pang termino para sa Pangulo na isinusulong ng mga kaalyado nito sa Kongreso dahil sa kakulangan ng sapat na panahon ay hindi na ito matatalakay ng mga mambabatas bago magtapos ang termino ni PNoy sa 2016.

Sa isang pahayag, sinabi ni Macalintal na mayroon na lang halos dalawang buwan na natitira para talakayin sa regular session ng Kongreso ang panukalang term extension dahil sa periodic break ng mga mambabatas sa Setyembre, Nobyembre at Disyembre ngayong taon at Marso at Hunyo sa 2015.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Since Congress’ session days are only on Mondays, Tuesdays and Wednesdays, and on a conservative estimate that there will always be quorum in both Houses, Congress has barely 57 session days from its adjournment on September 27, 2014,” paliwanag ni Macalintal.

Dahil sa gahol na sa panahon, naniniwala ang abogado na hindi matatapos ang mga mainitang debate sa panukalang baguhin ang 1987 Constitution.

Kabilang sa mga probisyon na balak baguhin sa Konstitusyon ay ang pag-aalis ng term limit ng Pangulo at pagluluwag sa mga batas sa foreign ownership.

Pagsapit ng Hunyo ng susunod na taon, kukulangin na rin sa panahon ang gobyerno para sa mandatory 90-day plebiscite na nakasaad sa Konstitusyon bago maaprubahan ang charter change.

Ang komento ni Macalintal ay pinagtibay ng unang pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na wala ring sapat na budget ang ahensiya sa 2015 upang magamit sa plebisito para sa charter change.