Ipinagdiriwang ngayon ng Kingdom of Saudi Arabia ang kanilang ika-82 taon ng pagkakatatag ng Kaharian ni Abdul-Aziz bin Saud noong 1932.

Ang KSA ang nangungunang exporter ng langis sa buong daigdig, na sumasaklaw ng 90% ng kita nito sa export at 75% ng kita ng gobyerno. Taglay ng naturang bansa ang pinakamalaking oil reserves sa mundo. Gayong pinatatakbo ng oil sector ang ekonomiya nito, layunin ng Saudi Government na palawakin ang kanilang ekonomiya sa pagtatapos ng ika-21 siglo.

Ang ugnayan ng Pilipinas at KSA ay nananatiling masigla. Pinagsasaluhan ng dalawang bansa ang iisang interes sa international at multilateral organizations at kapwa naninindigan sa iisang panig sa maraming isyu sa United Nations at iba pang international forum.

Ang KSA ang pangalawang pinakamalaking employer ng mga Pilipino, ang pangalawang tahanan ng mahigit 1.4 milyong manggagawang Pinoy. Nagkakaloob ang pamahalaan ng KSA ng scholarship grants sa mga estudyanteng Muslim sa Mindanao. Nagbibigay din ito ng ayudang pinansiyal par asa pagpapatayo ng mga paaralan at mga Islamic center sa buong bansa at sumusuporta sa mga namamanatang Pilipino sa Hajj at Umrah. Naitatag ang mga moske, ampunan, at mga medical clinic para sa maralita sa pamamagitan ng public at private sector groups sa KSA. Ang bansa ay patuloy na sumusuporta sa peace process sa katimugan ng Pilipinas, partikular na sa Moro National Liberation Front (MNLF) at ngayon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia sa pangunguna ng Kanilang Kamahalan, King Abdullah bin Abdul Aziz, Crown Prince Salman bin Abdul-Aziz Al Saud, at Deputy Crown Prince Muqrin bin Abdulaziz, sa okasyon ng ika-82 anibersaryo ng kanilang Pambansang Araw.