Pinawi kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibilidad na sumabog ang Mount Apo, ang pinakamataas sa Pilipinas.

Nilinaw ni Phivolcs Officer-in-Charge Rainier Amilbahar na ang naramdamang 449 na aftershocks ng magnitude 5.2 na lindol sa North Cotabato noong Sabado ng madaling-araw ay “tectonic in origin” at wala umanong kaugnayan sa bulkan.

Inihayag pa ni Amilbahar na ang epicenter ng nasabing lindol ay naitala sa bayan ng Makilala at sa Kidapawan City sa North Cotabato.

Ang Mt. Apo, may taas na 2,954 metro (9,692 ft.), ay nasa pagitan ng Davao City at Davao del Sur.
National

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar