Idineklara ng Department of Labor and Employment (DoLE) na ipatutupad nito ang “no work, no pay” policy para sa mga empleyado na hindi nakapasok bunsod ng bagyong ‘Mario’ noong Setyembre 19, 2014.

Base sa umiiral na batas sa pasahod tuwing may kalamidad, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi makatatanggap ng sahod ang mga empleyado na hindi pumasok sa trabaho noong Biyernes nang manalasa ang bagyo sa Hilagang Luzon.

Matatandaan na sinuspinde ng gobyerno at ilang pribadong kumpanya ang trabaho nang manalasa ang Mario sa ilang bahagi ng Luzon, na nagresulta sa pagbaha sa maraming lugar, partikular sa Metro Manila.

“If employees did not report for work on the day work was suspended, they will receive no pay unless there is a favorable company policy, practice or collective bargaining agreement (CBA) granting payment of wages on said day,” paliwanag ni Baldoz.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Aniya, maaaring gamitin ng mga naapektuhang empleyado ang kanilang accrued leave credit upang sila ay mabayaran bagamat absent.

Samantala, ipinaliwanag ni Baldoz na ang mga nagtrabaho noong Biyernes ay makatatanggap ng kanilang basic pay para sa araw na iyon.

“He or she will not receive additional pay, but only their salary on said day,” ayon kay Baldoz.

Subalit hinikayat ni Baldoz ang mga employer na magbigay ng mga benepisyo tulad ng libreng transportasyon, protective equipment at first-aid medicine sa kanilang mga empleyado tuwing may kalamidad. - Samuel P. Medenilla