KUH-Ledesma1

Ni ALYSSA JANE AVELLANOSA, trainee

PAGKARAAN ng maraming taon, sa wakas ay magkakaroon na ng reunion concert ang grupong Music & Magic para muling pasayahin ang kanilang mga tagahanga.

Ang bandang Music & Magic ang nag-angat ng kalidad ng musika para sa mga musikerong tumutugtog sa resto bars sa Pilipinas. Una silang nagtanghal noong June 1979 sa Alibi Bar of the Regent of Manila. Nakilala sila dahil sa kanilang natatanging rendisyon ng standard hits mula 60s hanggang 80s na sinasabayan nila ng nakakaaliw na dance moves.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang pagkakabuo ng Music & Magic Band ang naging ugat ng pagsibol ng career ni Kuh Ledesma. Kasa-kasama ni Kuh sa Music & Magic sina Jet Montelibano, Fe delos Reyes, Eva Caparas, Angeli Panganiban, Toto Gentica, Hector Pedero, Butch Elizalde at Nonoy Mendoza. Dati namang miyembro ng grupo sina Bobby Taylo, Vicky Sevilla-Pangilinan at si Jeannete Casuga-Trevias, na pumalit kay yumaong Maricor Perez. Kinilala ang grupo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Singapore, Malaysia at Amerika.

Pagkaraan ng 35 taong pagdodomina ng Music & Magic sa industriya ng musika sa Asya, kinilala na si Kuh bilang isa sa mga pinakamaningning na diva at ang kanyang mga kasamahan ay nagpatuloy naman sa kani-kanilang nasimulang career sa loob at labas ng bansa bilang frontline performers, musicians, solo acts, music impesarios, music producers at entertainment managers ngunit nananatiling nagkakaisa dahil sa common drive – ang ‘di matatawarang pagmamahal sa musika.

Sa tinagal-tagal ni Kuh sa industriya, marami na siyang natanggap na pagkilala’t parangal at napunong mga bulwagan sa bawat pagtatanghal. Ngayo’y abala ang Pop Diva sa kanyang acting career, kasalukuyan siyang kabilang sa soap opera na Destiny ng GMA7.

Nakatakdang muling magsama-sama sa iisang entablado ang lahat ng miyembro ng Music & Magic para muling ipadama sa mga tagahanga ang kagandahan ng kanilang musika. Ang reunion concert, na pinamagatang Trending Music & Magic The Reunion, na magkatuwang na pamamahalaan ng Viva Live at Artist House ay gaganapin sa October 3, sa PICC Plenary Hall sa ganap na alas-8 ng gabi.

Available ang tickets sa Viva Concerts, Artist House, Ticketnet, SM Tickets at TicketWorld.