NEW YORK (AP) — Libu-libong aktibista ang nagmartsa sa Manhattan noong Linggo (Lunes sa Pilipinas), nagbabalang winawasak ng climate change ang Mundo— kasabay ng mga demonstrador sa buong mundo na hinimok ang policymakers na agad kumilos.

Nagsimula sa Central Park West, karamihan ay dumating nang nakapaa, ang iba ay nakabisekleta at walker, at may ilan pang naka-wheelchair. Marami ang nagsuot ng mga costume at nagmartsa sa tunog ng tambol. Ngunit iisa ang kanilang mensahe.

“We’re going to lose our planet in the next generation if things continue this way,” sabi ni Bert Garskof, 81, habang itinutulak ang isang kapamilya na naka-wheelchair sa Times Square.

Una niyang narinig ang tungkol sa global warming noong 1967, “when no one was paying much attention,” sabi ni Garskof, katutubong New Yorker at professor of psychology sa Quinnipiac University sa Connecticut.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ng mga organizer na mahigit 100,000 ang nagmartsa sa New York, kabilang ang mga aktor na sina Leonardo DiCpario, Mark Ruffalo at Evangeline Lilly. Sinamahan sila sa midtown Manhattan nina United Nations Secretary-General Ban Ki-moon, dating Vice President Al Gore at New York City Mayor Bill de Blasio.

Sa Martes, mahigit 120 lider ng mundo ang magtitipon para sa United Nations Climate Summit na naglalayong patatagin ang political will para sa isang bagong pandaigdigang climate treaty sa pagtatapos ng 2015.

“I am overwhelmed by such a strong power, energy and voice of people,” ani Ban. “I hope this voice will be truly reflected to the leaders when they meet on September 23rd. Climate change is (a) defining issue of our time and there is no time to lose. If we do not take action now, we will have to pay much more.

Sinabi ni De Blasio, “My sense is the energy you see on the streets, the numbers that have amassed here and in other cities around the world, show that something bigger is going on, and this U.N. summit will be one of the ones where we look back and say it was a difference maker.”

Ang martsa sa New York ay isa lamang sa serye ng mga tagpo na ginanap sa buong mundo upang itaas ang kamalayan ng mundo tungkol sa climate change.

Sa London, sinabi ng organizers na 40,000 ang nakimartsa, habang ang maliit na pagtitipon sa Cairo ay tinampukan ng malaking art piece na kumakatawan sa wind at solar energy. Sa Rio de Janeiro, pinintahan ng mga nagmamartsa ang kanilang mga mukha ng berdeng puso at nag-rally sa Ipanema Beach.

Nakiisa rin ang celebrities sa London kabilang ang designer na si Vivienne Westwood, aktres na si Emma Thompson at musikerong si Peter Gabriel sa libu-libong tumawid sa sentro ng kabisera, habang sumisigaw ng: “What do we want? Clean energy. When do we want it? Now.”

“This is important for every single person on the planet, which is why it has to be the greatest grassroots movement of all time,” ani Thompson. “This is the battle of our lives. We’re fighting for our children.”

Sa Australia, ang pinakamalaking rally ay nasa Melbourne, na tinatayang 10,000 katao ang lumabas sa mga lansangan na may hawak na mga banner at placard na nananawagan sa gobyerno na dagdagan pa ang aksiyon para malabanan ang global warming.