Sa hangaring makapagtala ng bagong Guinness World Record para sa pinakamaraming puno na naitanim nang sabay-sabay sa magkakaibang lokasyon, hinihimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang buong kooperasyon ng mamamayan ng Mindanao sa nasabing event at samantalahin ang nasabing aktibidad para sa malawakang reforestation sa rehiyon.

Tinawag na “TreeVolution: Greening MindaNOW”, layunin ng malawakang pagtatanim ng puno sa Biyernes, Setyembre 26, na makapagtanim sa loob ng isang oras ng 4.6 milyong puno 9,200 ektarya sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Sinabi ni DENR Secretary Ramon Paje na higit pa sa pagkakaroon ng bagong world record, ang inisyatiba ay isang oportunidad para makibahagi ang mga Mindanaoan sa napakalaking pagsisikap na maisulong ang reforestation sa rehiyon, na dumanas ng matinding pagkakalbo ng kagubatan sa nakalipas na mga dekada.

“We are urging Mindanao residents to turn out in full force, and actively participate in tree planting as this is in support of the National Greening Program of the government,” ani Paje,

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“It would be a great achievement to break the Guinness record, but the primary focus is to reforest a large portion of the region to restore the integrity of the environment and enhance our efforts against the negative impacts of climate change,” anang kalihim.

Magtatanim ng mga puno sa mga itinakdang lugar sa Regions 9, 10, 11, 12, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao, at pakikilusin ang may 230,000 magtatanim mula sa iba’t ibang sektor.

Plano ng Pilipinas na higitan ang world record ng India, nang nagtanim noong 2011 ng 1.9 milyong puno ang 340,200 participants sa 408 lokasyon. - Ellalyn B. De Vera