BEIJING (AP)– Dalawang araw matapos inanunsiyo ang pagtatapos ng kanyang makasaysayang tennis career sa pamamagitan ng isang open letter sa kanyang mga kaibigan at fans, dumating si Li Na sa isang farewell news conference na mukhang galing sa pag-iyak.

Hindi nagtagal bago muling naiyak ang two-time Grand Slam champion habang ipinapaliwanag na ang kanyang desisyon na magretiro ay makaraang sumailalim sa ikaapat na operasyon sa tuhod.

''I feel this is the best time for me to retire. I don't feel sorry or have any regrets about retiring,'' aniya sa isang siksik na news conference kamakalawa sa National Tennis Centre sa Beijing. ''When I was making this decision I asked myself, 'If I retire, will I regret it?' My heart told me I wouldn't, because I've done my best.''

''I'm very satisfied with my tennis career,'' dagdag ng 32-anyos na si Li, na napanalunan ang French Open noong 2011 upang maging unang Grand Slam titlist ng Asia. Nakopo niya ang ikalawang major noong Enero nang manalo sa Australian Open sa kanyang ikatlong pagsubok sa final sa Melbourne Park.

Probinsya

Tatlong magkakapatid, magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito?

Pitong torneo lamang ang kanyang sinalihan pagkatapos noon at hindi na muling naglaro nang matalo sa ikatlong round sa Wimbledon. Umatras siya sa tatlong torneo noong Agosto, kabilang ang U.S. Open, at idinahilan ang isang knew injury.

''After the surgery in July, I tried very hard to recover, hoping I can make it to participate in tennis matches in China especially the Wuhan Tennis Open which is the first ever big tennis match in my hometown,” saad ni Li. ''However, this is my fourth big surgery, and with my age and physical state, it is hard for me.

''This is a tough decision to make for me, even harder than playing the Grand Slam matches. But I think this is about the right time to say goodbye to everyone, because my body doesn't allow me to participate in any high-level tennis matches.''

Gumawa ng milestones si Li, kabilang dito ang pagiging unang Chinese player na nanalo ng WTA title, ang unang nakapasok sa Top 20 at ang unang manlalaro mula Asia na nakapanalo ng isang tennis major.

Inilarawan ng WTA, na siyang nagpapatakbo ng women’s tennis, si Li bilang isang trailblazer ng laro at ng kontinente. Nais niyang masiguro na ang kanyang mga narating ay simula pa lamang para sa tennis sa China.

''What I really want to do now is try to set up a tennis school of my own and do basic things to help build up the base for Chinese tennis,'' ani Li. ''Like a pyramid, I believe only with a solid base, Chinese tennis can have a better future.''