Ibinuga sa akin ng aking anak na dalaga na si Lorraine ang kanyang pagkadismaya sa kanyang kaopisina na umako ng papuri na dapat ay sa kanya. Sinabi kasi ng kanyang kaopisina na sa kanya nanggaling ang ideya ng kanilang proyekto na sa totoo lang ay nagmula kay Lorraine. Masalimuot ang pangyayaring iyon kung kaya hinayaan ko na lang si Lorraine na resolbahin ang problemang alam kong siya lamang ang makalulutas.

Ngunit naalarma ako nang sabihin niyang gagawa siya ng paraan upang makapaghiganti. Totoong masama ang loob niya sa kaopisinang ito. Kung sa paanong paraan siya maghihiganti, iyon ang hindi niya sinabi sa akin.

Kapag naagrabyado tayo, may mga pagkakataong mag-iisip tayo ng paraan upang makapaghiganti. Ngunit sa totoo lang, hindi naman talaga tayo nakapaghihiganti. May nakapagkomento tungkol sa pagpapatawad, anito, “Hindi pinatapatas ng paghihiganti ang bilang ng pagkakamali. Ang pagpapatawad ang tanging paraan upang mahinto ang paulit-ulit na paggunita sa hindi patas na kapighatian.”

Lalo nating mauunawaan ang pagpapatawad sa sinulat ni San Pablo : “Alisin ang lahat ng kapaitan at galit sa inyong puso at maging mabuti para sa isa’t isa... Magpatawaran kayo sapagkat pinatawad kayo ng Diyos.” Batid ni San Pablo na mahalaga ang kapatawaran upang manatiling buhay ang espiritu ng mga taga-Efeso. Ang kanyang apela ay nakaangkla sa kapatawarang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos.

Probinsya

Tatlong magkakapatid, magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito?

Ang pagpapatawad ay hindi paglimot sa isang pagkakamali. Ito ay ang paghadlang sa paghihiganti. Ang pagpapatawad ay lumilikha ng posibilidad ng pagiging patas sa pag-aalis ng hindi patas na nakalipas. Ang pagpapatawad ang pinakamahirap na tungkulin ng pag-ibig, at ito rin ang pinakamatinding panganib ng isang nagmamahal.

Ang pagpapatawad ay pagsayaw sa musikang likha ng pagtibok ng mapagpatawad na puso ng Diyos. [VVP]