KABUL (Reuters)— Si dating finance minister Ashraf Ghani ang pinangalanang president-elect ng Afghanistan noong Linggo matapos siyang lumagda sa kasunduan na makihati sa kapangyarihan sa kanyang kalaban, winakasan ang ilang buwan ng sigalot sa eleksiyon.
Hindi na isinama sa announcement ang final election numbers, na ipinapalagay na bahagi ng kasunduan nina Ghani at karibal na si Abdullah Abdullah, ang dating foreign minister na nagreklamong dinaya siya sa proseso.