(Reuters) – Hindi na makapaglalaro si Victoria Azarenka sa kabuuan ng season upang kumpletong makarekober mula sa mga injury na kanyang ininda ngayong taon, ito ay ayon sa former world number one noong Linggo.
Umatras ang two-time grand slam champion mula sa Wuhan Open ngayong linggo sa China dahil sa isang foot injury at pagkatapos ay inanunsiyo na hindi na siya sasabak sa aksiyon sa natitirang bahagi ng season.
"Unfortunately I will not be competing in any tournaments for the remainder of the season," lahad ng 25-anyos na Belarusian sa kanyang Facebook page. "It has been a very tough year for me.”
"I have been trying my best to improve day in and day out by pushing and pushing... but that does not appear to be the best approach for me right now.”
"I will use this time to work on making a full recovery and take care of my body to compete at my best next season."
Si Azarenka, ang Australian Open champion noong 2012 at 2013, ay nahirapan buong taon dahil sa mga problema sa paa at tuhod at hindi nakapaglaro sa ilang torneo na dahilan upang bumaba ang kanyang singles ranking sa 25 sa buong mundo.