Aabot sa daang milyong halaga ang nalugi sa may-ari ng palaisdaan sa Valenzuela City, makaraang maglutangan sa fish pen ang mga iba’t ibang uri ng patay na isda na nasa apat na tonelada, dulot ng malakas na ulan sanhi ng bagyong “Mario.”

Sa panayam sa telepono kay Fortunato Aravilla, Punong Barangay ng Malanday, Valenzuela City, isa sa dahilan ng pagkamatay ng mga isda gaya ng bangus, tilapia at pla-pla ay ang water lily na umagos sa mga palaisdaan.

Nagreklamo na ang ilang residente sa masangsang na amoy ng mga patay na isda lalo pa’t sumikat ang araw.

“Nagkaroon na po dati ng fish kill dito sa amin, kaya lang hindi katulad nito na hanggang pampang ay umapaw ang isda. Noon po ay inaanod ng tubig ang isda, pero ngayon hindi eh, “ani Aravilla.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Nakatakdang makipag-usap si Aravilla sa mga may-ari ng palaisdaan upang pagtulung-tulungan na hakutin ang mga patay na isda.

Nagbabala ang punong barangay sa kanyang mga nasasakupan na huwag lutuin ang mga patay na isda dahil kontaminado na ito ng mga bacteria.