Kris-Aquino2-copy

IPINOST ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang letter of ownership na ipinadala sa kanya ng Fresh N’ Famous Foods Inc., ang kompanyang nagpapatakbo ng Chowking chain of restaurants, bilang franchisee.

Sabi ng TV host/actress sa kanyang post, “Just signed my CHOWKING Franchise awarding papers. My fast food franchise ownership goal is now a reality. (This isn’t part of my contract, I’m paying for my 1st franchise from hard earned money, my CK Family had offered that this be part of my contract renewal package, but I felt that I needed to invest in the company for me to really have the motivation to make my branch & future branches successful.)

“I am now not just an endorser but a stakeholder in Chowking. Thank You JFC for this opportunity!”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa Alimall Cubao matatagpuan ang Chowking branch ni Kris, sa ground floor, ang puwestong kaharap ng Handyman.

Madalas kaming kumain noon sa nasabing branch lalo na noong buhay pa ang nanay namin dahil paborito niya ang siopao, lugaw at halo-halong may ice cream.

Kaya lang may experience kaming hindi maganda sa CK branch na ito dahil may langaw, na ilang beses naming sinabi sa staff pero sinagot lang kami ng, “Hindi nga po namin alam kung saan galing.”

Parang hindi katanggap-tanggap bilang customer ang sagot na iyon sa amin ng CK staff, dahil paano ka gaganahang kumain kung may langaw na lumilipad-lipad, ‘di ba, Bossing DMB?

Heto pa, palibhasa’y maraming kumakain at parang kulang yata sa staff ang Alimall branch, kaya hindi kaagad nalilinisan ang naglalagkitang mesa sanhi ng mga natapong iced tea, kaya nga rin siguro may langaw.

Sana sa pagpasok ni Kris bilang franchise owner ng Alimall branch ay marami ang pagbabagong mangyari at sana ay magdagdag ng staff para hindi naman maghihintay ang mga tao na gusto nang kumain pero hindi pa nalilinisan kaagad ang mga mesa.

In fairness, malakas ang Chowking Alimall branch, Bossing DMB, dahil bungad ito pagpasok mo sa ground floor. Napaka-convenient lalo na sa mga senior citizen na ang madalas orderin ay mga noodle soup nila na mura lang.

Ako naman, halo-halo talaga ang gustung-gusto ko sa CK dahil sa maraming laman at ang siopao/mantao.

Hmmm, kelan kaya ang opening nito, Ms Kris?

Samantala, hindi nagustuhan ng iilan lang namang netizens na ibinalita pa raw ni Kris sa national television at social media ang pagbibigay niya ng mamahaling Hummer SUV kay Boy Abunda dahil sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa ating bansa na marami ang nagugutom.

Hindi raw maintindihan ng ibang tao ang regalong ito ng Queen of All Media at sana ay itinulong na lang sa mga nangangailangan.

At hindi rin naman brand new ang mamahaling sasakyan na ibinigay ni Kris kay Kuya Boy, at inilambing ito sa kanya ng bestfriend/confidante/manager na sa rami rin naman ng naitulong sa kanya ay parang sukli na lang ang ibinigay niya.

Unaware ang mga nagsabing sana’y itinulong na lang ni Kris sa mga nangangailangan ang halaga ng Hummer na marami pa ring tinutulungan ang TV host/actress na hindi lang nasusulat o ibinabalita, at alam ‘yan sa showbiz industry.

Kaya nga work to death ang Queen of All Media at kahit maysakit ay pinipilit pa rin ang sariling puntahan ang lahat ng commitments dahil kailangan din niya ng pera sa rami ng sinusustentuhan, pinapasuweldo at personal na gastusin.

Sabi nga, kapag malaki ang kita ay mas doble o triple pa ang gastos.