Posibleng maputulan ng paa ang isang pulis na binaril ng enforcer ng Land Transportation Office (LTO) na tinangka niyang arestuhin dahil sa pagbebenta umano ng shabu sa South Cotabato noong Sabado ng gabi.

Nasapol ng tama ng shotgun sa kanang paa si SPO1 Richard Santiago, habang pinaghahanap pa ang suspek na si Anowar Akil Makadato, traffic enforcer ng LTO, na nakatira sa Barangay San Felipe, Tantangan.

Ayon kay PO3 James Antenorio, ng South Cotabato Police Provincial Office, ipatutupad nila ang search warrant laban kay Makadato nang bigla itong lumabas mula sa likod ng bahay at nagpaputok ng shotgun, hanggang tamaan si Santiago.

Bagamat nakatakas si Makadato, na nakumpiskahan ng tatlong baril, pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia, naaresto naman ang kasama niyang si Tots Saramadan, na subject ng search warrant na inisyu ni Presiding Judge Oscar Noel, ng Branch 35, ng City Regional Trial Court sa General Santos.
National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara