Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan sa Metro Manila at sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity, kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Mario’ na nagpaigting sa habagat noong Biyernes.

Umapela ang DTI sa mga negosyante na huwag samantalahin ang nangyaring kalamidad para magtaas ng presyo ng mga produkto, dahil lahat ay apektado at maituturing na biktima ng nasabing bagyo.

Iniimbestigahan na ng kagawaran ang ulat sa nadoble ang presyo ng bawat kilo ng kangkong, talong at iba pang gulay sa mga pamilihan sa San Juan City matapos ang malawakang baha.

Binalaan din ang mga negosyante na nais magsamantala sa ganitong panahon na pagmumultahin ng hanggang P1 milyon at makukulong kapag napatunayang lumabag ang mga ito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Asahang magsasagawa ng mga surprise inspection ang mga opisyal ng DTI sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Nilinaw ng DTI na awtomatikong ipinatutupad ang 60-araw na price freeze ng bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, kabilang ang Marikina City, Cainta sa Rizal at Cebu City.

Saklaw ng freeze order ang mga pangunahing produkto gaya ng bigas, kape, asukal, mantika, instant noodles, de-latang pagkain, bottled water at iba pa.