NGAYON ipinagdiriwang ng Republika ng Mali ang kanyang Pambansang Araw upang gunitain ang kalayaan nito mula sa France noong 1960. Mga parada, talumpating pampulitika, pagtatanghal ng mga tradisyunal na sayaw at mga makabayang himno ay ang mga pangunahing aktibidad sa pagdiriwag ng Pambansang Araw.
Matatagpuan sa hilagang kanluran ng Africa, ang Mali ay nasa hangganan sa hilagang silangan ng Algeria, sa silangan ng Niger, sa timog ng Burkina Faso, Cote d’Ivoire, at Guinea, at sa kanluran ng Senegal at Mauritania. Ang bansa ay may lawak na 1,240, 192 kuwadrado kilometro at populasyon na halos 14.5 milyon.
Halos ang buong populasyon ng Mali ay African. May iilang grupong Malian – ang Bambara, Fulani, Tuareg, Soninke, Senufo, Songhai, at Mandinka. Ang nangingibabaw na relihiyon ay Islam na isinasabuhay ng halos 80 porsiyento ng populasyon. Halos 18 porsiyento ng mamamayan ang sumusunod sa tradisynal na paniniwala at ang iba pa ay mga Kristiyano. French ang opisyal na wika ngunit ang mga wikang Africa, gaya ng Bambara at Songhai, ay sinasalita rin ng karamihan.
Agrikultura ang pangunahing tagaambag sa ekonomiya. Ang bulak ang pangunaing pananim para iluwas sa Senegal at sa Ivory Coast. Ang iba pang produktong agrikultura ay kinabibilangan ng bigas, millet, tree crops, gulay, mais, at tabako. Ang fishing industry ay gumagawa ng surplus, na pinatutuyo at pinauusukan para sa export. Ang Mali ay mayaman sa mapagkukunang mineral gaya ng ginto, asin, marmol, phosphate rock, at diamond. Ang mineral ng iron at uranium at inaasahang makukuha na rin sa hinaharap.
Binabati namin ang mamamayan at gobyerno ng Republika ng Mali sa pangunguna ni President Ibrahim Boubacar Keita at Prime Minister Moussa Mara, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.