KAHAPON, Setyembre 21,ang ika-42 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law. Sa pamamagitan nito, ipinakulong ni ex-Pres. Marcos ang mga kritiko at kalaban niya sa pulitika, binuwag ang Kongreso, ipinakandado ang mga tanggapan ng pahayagan, kabilang ang kilalang orihinal na Manila Times ni publisher Chino Roces, binusalan ang TV at radio stations, pinaluhod ang Supreme Court.

Pangunahing dahilan daw sa pagdedeklara ng batas-militar ay ang matinding banta ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng armadong sangay na New People’s Army (NPA). Ang chairman noon ng kilusang komunista ay si Prof. Jose Maria Sison (isang Ilokano), kilala sa bansag na Joma, samantalang ang namumuno naman sa NPA ay si Bernabe Buscayno, alyas Kumander Dante, ng Capas, Tarlac.

Samakatwid, mula noong 1972 hanggang 1986 o 14 taon ay nasa poder si Marcos bukod pa sa apat na taon nang siya’y mahal na Pangulo ng bansa noong 1965 matapos talunin si ex-Pres. Diosdado Macapagal, ang Poor Boy from Lubao, ama ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Ang kay Marcos ang pinakamahabang termino ng isang Pangulo.

Maganda ang mga unang taon ng martial law. Maganda ang disiplina ng taumbayan at maging ng mga kawani ng gobyerno. Takot kasi silang mabilanggo. Ang mga bus noon ay mismong sa bus stop tumitigil para magsakay o magbaba ng pasahero, di tulad ngayon na kung saan nangakahambalang. Noon na-firing squad si Lim Seng, ang diumano ay drug lord. Noon, ang palitan ng pera ay $1 sa P2. Maluwag din ang buhay noon dahil 40-50 milyon lang yata ang populasyon, di tulad ngayong 100 milyon ang mga Pinoy. Dahil dito, hindi tama na ikumpara ang kalagayan natin noon sa kasalukuyan sapagkat 30 o 50 sentimos lang yata kada litro ng gasolina, pero ngayon ay mahigit P50 bawat litro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang Pilipinas ay isang dakilang lahi. Sa mga pangakong “This nation can be great again” noon hanggang sa “Daang Matuwid” ngayon, naniniwala akong ang Pilipino ay nagtataglay ng karakter ng isang kawayan na yumuyuko sa hampas ng unos para muling tumayo, tulad ng isang matikas at matatag na molave o kamagong.