Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang kumpanyang Flying V ngayong Lunes ng madaling araw.

Epektibo 12:01 ng madaling araw, tinapyasan ng Flying V ng 20 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Kasabay nito, tinaasan ng kumpanya ang presyo ng gasolina sa 20 sentimos bawat litro.

Bagamat wala pang abiso ang Cabrerosibang kumpanya ng langis, inaasahan na ang pagpapatupad ng mga ito sa dagdag-bawas sa petrolyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Noong Setyembre 16 ay tinapyasan ng Shell, Petron, Chevron at Seaoil ng 70 sentimos ang diesel at 65 sentimos sa kerosene habang 30 sentimos naman ang tapyas sa gasolina.