Ang mataas na antas ng kahandaan sa kalamidad ng mga local government unit (LGU) sa Metro Manila ang dahilan sa kakaunting nasaktan at napinsala sa pananalasa ng bagyong ‘Mario’, na nagdulot ng matagal at malakas na ulan at malawakang baha sa Kamaynilaan at mga karatig-probinsiya noong Biyernes.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, epektibong nakapaghanda sa kalamidad ang lahat ng 16 na siyudad at isang munisipalidad sa Metro Manila.

“There is a high level of preparedness and alertness among the LGUs. They (LGU officials) were already visible. Before the MMDA rescue teams arrived, the officials were already at areas where there is a need for evacuation of families,” sinabi ni Tolentino sa panayam sa radyo kahapon.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya