PARIS, France – French-African man ang dugong nananalaytay sa kanya, ngunit sa puso ni Wesley Romain, siya ay Pilipino.

May tangkad na 6’4 at matatas sa pagsasalita ng Tagalog, nakatanggap si Romain ng isang “offer of a lifetime” na maglaro para sa Philippine basketball team.

Walang iba kundi si Pangulong Aqunio ang sumubok na i-recruit si Romain para sa local basketball squad sa isang chance encounter sa isang forum na inorganisa ng French Institute for International Relations (IFRI) sa Paris.

Si Romain, isang international exchange student sa University of the Philippines-Diliman, ay isa sa ilang pumila upang magtanong sa Presidente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tumayo ang 26-anyos na si Romain mula sa kanyang kinauupuan at akma nang magbibigay ng kanyang katanungan sa Pangulo nang siya ay kausapin nito.

“Perhaps they can recruit you for the Philippine Basketball Team,” sabi ng Presidente sa French gentleman, na nagpatawa sa crowd.

Ginulat naman ni Romain ang audience nang kanyang tanggihan ang alok ng Pangulo sa Filipino.

“Gusto ko, pero hindi ako magaling,” ang kanyang tugon sa Presidente.

Matapos nito ay nagtanong na si Romain sa Pangulo tungkol sa posibleng papel ng France para sa peace efforts sa Mindano.

Ang kanyang ikalawang tanong ay: “Pagkatapos ng conference, puwede bang kumuha ngisang picture sa inyo?”

Nagtataka, tinanong ng Presidente sa Filipino ang French guy kung paano ito natutuong magsalita ng wikang Filipino.

“Kasi pusong Pinoy ako,” aniya. “Estudyante ako sa Maynila, sa UP Diliman po.”

Pinasalamatan siya ni Aquino pagkatapos at pinagbigyan ang hiling nitong photo session kasama siya.

“Ah, UP Diliman, okay, thank you. ‘Yung second question ho, of course, you’ll have time for that. Sorry, nakalimutan ko tuloy,” saad ng Presidente. -

Genalyn D. Kabiling