INCHEON – Ang ina ng golfer na si Kristoffer Arevalo ay hindi pa ipinapanganak nang makasungkit ang archer na si Joan Chan Tabanag ng tatlong gintong medalya sa 1985 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Si Arevalo, 15, at Tabanag, 50, ang pinakabata at pinakamatandang miyembro ng 150-man delegation na ang average na edad ay 25 anyos.

Dalawampu’t dalawang atleta ang nasa ilalim ng 20 anyos habang lima lamang ang nasa 40-anyos pataas.

Ang seven-man golf team ang pinakabata na walang manlalarong lampas 18-anyos habang ang five-man rowing team ang pinakamatanda sa average age na 32.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pagkakasama ni Arevalo sa men’s team ay ang patunay sa youth revolution sa isport.

“I am honored to be a member of the team and at the same time humbled to be given the rare opportunity to represent the country at an early age,” saad ni Arevalo, isang high school student mula sa Colegio de San Agustin.

“I just hope to score well and contribute to the success of our team.”

Si Arevalo, ang pinakabata sa limang magkakapatid, ay napunta sa international spotlight nang kanyang mapanalunan ang 13-14 age division ng World Junior golf championship noong nagdaang taon sa San Digeo, California.

Ang kanyang panalo ang nagbigay sa kanya ng imbistasyon upang maging miyembro ng national pool noong nakaraang Oktubre. Natanggap niya ang tawag upang maglaro sa Asiad dalawang buwan na ang nakararaan.

Hindi naman bago si Arevalo sa paglalaro sa major tournaments tulad ng Asian Games. Siya ay sumabak na sa Nomura Cup sa Thailand, Taiwan Golf Amateur at World Amateur sa Japan.

Ang huling pagkakataon na nanalo ang isang Filipino ng gintong medalya ay noong 1986 nang pangunahan ni Ramon Brobio ang individual event sa Seoul. Ang huling medalist naman ay si Michael Bibat na nag-uwi ng bronze mula sa Doha, Qatar noong 2006.

May taas na five-foot-10, si Arevalo ay miyembro rin ng varsity basketball squad sa kanyang paaralan. Ang paglalaro ng basketball ay nakatulong upang mapalalakas ang kanyang stamina at endurance, aniya.

Mula nang mapasama sa koponan, sinabi ni Arevalo na araw-araw ang kanyang naging pagsasanay para sa Games.

Ganito rin ang masasabi tungkol kay Tabanag na umalis pa mula sa kanyang trabaho sa Philippine Sports Commission upang mas mapagtuunan ng pansin ang compound event na lalaruin sa unang pagkakataon sa Games.

Nakakuha si Tabanag ng puwesto sa koponan nang pumangatlo siya sa likod ng dalawang Canadian sa international category ng US Open noong Hulyo.

May dalawang anak, si Tabanag ang kinikilalang lider ng seven-man squad na sasabak sa aksiyon bukas, Martes, sa Gyeyang Asiad Archery Field.

Pinagsabay ni Tabanag ang training sa pagtuturo sa mga anak ng expatriates sa pamosong Manila Polo Club.

“It pays, but the important thing is I keep to practising the sport I truly love,” sabi niya.

Ang iba pang miyembro ng archery team ay sina Ian Patrick Chipeco, 18; Earl Benjamin Yap, 29; Jose Ferdinand Adriano, 20; Paul Marton dela Cruz, 28; Amaya Amparo Cojuangco, 28; at Abbigail Tinduan, 33.

Habang ang archers ay nagsasanay na rito para sa umpisa ng kanilang event bukas, ang golfers, sa pangunguna ni 16-year-old national champion Rupert Zaragosa, ay darating pa lamang ngayong araw.

Ang iba pang golfers na sasabak sa aksiyon ay sina Raymart Tolentino, 17; Justin Raphael Quiban, 18; Miya Legaspi, 16; Pauline del Rosario, 16; and Princess Superal, 17.