TIRANA, Albania (AP) – Dumating kahapon si Pope Francis sa Albania sa una niyang pagbisita sa Europe, upang bigyang-diin ang pagbabago ng dating malupit na komunistang estado na nagbabawal na relihiyon na ngayon ay huwaran sa payapang pakikipamuhay ng mga Kristiyano at Muslim sa isa’t isa sa mundong saksi sa mga paglalaban dahil sa pananampalataya.

Mahigpit ang seguridad para sa 11-oras na pagbisita ng Papa kahapon, sa harap ng napaulat na banta ng mga militanteng Islam. Bagamat iginiit ng Vatican na hindi dapat na magpatupad ng anumang espesyal na hakbangin para sa Papa, nangako ang Albanian Interior Ministry ng “maximum” na proteksiyon mula sa 2,500 pulis at pinaigting ang pagpapatrulya maging sa mga hangganan.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists