Isinailalim sa state of calamity ng pamahalaang bayan ng Makilala sa Cotabato ang anim na barangay nito bunsod ng magnitude 4.6 na lindol na yumanig sa lugar noong Sabado.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isinailalim sa state of calamity ang anim na barangay sa Cotabato na maraming istruktura at ari-arian ang nasira.

Sa Barangay Luayon, aabot sa 60 ang nasirang bahay.

Iniulat din na dalawang residente ang sugatan nang mabagsakan ng debris habang dalawang bahay ang nasira sa Barangay Sto. Niño; Bgy. Villaflores, 12 bahay; Bgy. New Baguio, 24 bahay ; Bgy. Guangan, dalawang bahay ; at Bgy. Luna Norte, dalawang bahay.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Umabot din sa 100 pamilya ang kinakalinga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuation center.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naramdaman ang magnitude 4.6 na lindol sa Makilala, Cotabato dakong 5:59 noong Sabado ng madaling araw habang magnitude 4.7 ang yumanig sa Kidapawan City. - Jun Fabon