Ni GENALYN D. KABILING

BERLIN, Germany – Nagpasalamat ang United Nations sa Pinoy peacekeeping contingent sa Golan Heights kasunod ng maagang pagpapauwi ng gobyerno ng Pilipinas sa mga ito bunsod ng lumalalang seguridad sa rehiyon.

Binasa ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang liham ni Edmond Mulet, Assistant Secretary General for Peacekeeping Operations, sa gobyerno ng Pilipinas na nagpapahayag ng “compliments” sa limang-taong pagpapairal ng kaayusan ng mga Pilipinong sundalo sa Golan Heights.

“The Secretariat of the United Nations presents its compliments to the permanent mission of the Republic of the Philippines in the United Nations and has the honor to refer to the United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF),” sulat ni Mulet.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The Secretariat wishes to express its gratitude to the government of the Republic of the Philippines for its contribution to UNDOF. The government of the Philippines is aware that the security and operations of situation in the area of separation has necessitated the relocation of a number of mission personnel to the Alpha side,” dagdag ng UN official.

Mahigit 240 Pinoy peacekeeper ang dumating sa bansa makaraang maagang tapusin ang isang UN mission sa Golan Heights. Sa tulong ng UN, may susunod na batch ng mga peacekeeper na magsisiuwi ngayong Linggo.

Kinilala ng UN ang mga pagsisikap ng mga Pinoy peacekeeper makaraang makatakas ang mga ito mula sa pag-atake ng mga rebeldeng Syrian sa Golan Heights. Inutusan ng isang UNDOF commander ang mga sundalong Pinoy na isuko ang kanilang mga armas sa mga rebelde, pero tumanggi ang mga Pilipino sa takot ng mga ito na mabihag din, gaya ng sinapit ng mga Fijian peacekeeper.

Samantala, pinabulaanan ng United Nations na magde-deploy ito ng panibagong mga peacekeeper sa Golan Heights.

“There is no expectation that UNDOF will be able to deploy back to the Bravo side in the short or midterm. This has rendered 245 or so personnel of the Philippines’ contingent none operational,” sabi ni Mulet, idinagdag na magkakaloob ang UN ng repatriation assistance sa Recuencomga peacekeeper.

Sa kabila ng maagang pag-pullout ng mga Pinoy peacekeeper mula sa Golan Heights, hindi naman pauuwiin ng Pilipinas ang iba pang peacekeeper na naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa mundo, kabilang ang Liberia, Ukraine at West Africa.

Gayunman, inamin ni Pangulong Aquino na may mga insidente pa rin ng pag-atake sa mga Pinoy peacekeeper at naidulog na niya ito sa UN.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na plano niyang makipag-usap kay UN Secretary Ban Ki-Moon sa Amerika upang hilingin na pag-aralang muli ang mga peacekeeping mission.