INCHEON, Korea- Dumating si Psy, siyang namuno sa party sa kapaligiran na kinapalooban ng opening ceremonies ng 17th Asian Games noong Biyernes ng gabi, subalit natapos na may mga reklamo sa mayorya ng mga nagpartisipa na anila’y hinggil sa kakulangan ng ekspiriyensiya ng organizers na humahawak sa sporting events.

Itinuon ang opening program sa kultura ng Incheon, kinapalooban ng videos, pagkanta at pagsayaw. Isinagawa ito para sa telebisyon kung saan inimplementahan ng organizers ang pag-embargo sa photographs hanggang sa huling bahagi ng fireworks.

Si Psy, ang pinakakilalang Korean rap artist sa mundo na umiskor ng world hit songs na “Gangnam Style” at “Gentleman,” ang naging main performer sa programa at ‘di naman nito pinalungkot ang mga nanood. Ang Gangnam ay ang district south ng Han river sa Seoul kung saan ang isa sa kanyang hit songs ang kanyang ipinangalan.

Umakyat ang athletes at ilang officials sa stage sa kanyang naging presensiya. Pinag-init nito ang kanyang performance sa crowd na pinag-alab din ng sorpresang paglabas ni Lee Young-ae, ang main star ng hit Koreanovela na “Jewel in the Palace” nang itawid ni Dae Jang Geum (The Great Jang Geum) ang Incheon Asiad flame.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang pagpili ni Dae bilang final torch bearer upang itakda ang cauldron aflame ay naging kontrobersiyal dahil si Lee ay walang sporting background, kung saan ay nagkaroon din ng ilang kontrobersiya ang organizers sa pamumuno ng Games.

Habang magandang panoorin sa telebisyon, minabuti ng mga nagpartisipa na magsi-alis na lang kung saan ay lalo silang nadismaya nang ‘di nila nakita ang kanilang mga bus na maghahatid sa kanila sa Athletes’ Village.

Halos isang oras ding naghanap ang mga atleta at officials, ang ilan ay may mga edad na, sa paghahanap ng available transport na maghahatid sa kanila sa Athletes’ Village.

Nakarating ang ilang delegates sa Athletes Village sa nakalipas na dalawang oras.

Ang dining hall ay naging chaotic sanhi ng pagdagsa at kapaguran ng delegates. Naubos ang pagkain na sadyang ikinadismaya ng maraming mga guton na atleta.

Walang nagawa ang veteran sports officials na nakadalo sa nakaraang Asiads sa Korea at sinabi na lamang ang naging tagumpay sa Seoul noong 1986 at Busan noong 2002.

Tanging ang siyudad ng Incheon ang namahala sa pagpapatakbo ng okasyon sa naturang Games.

Hindi kabahagi ang National Olympic Committee ng Korea at national government sa Games.

Ang Incheon ay ang hotbed ng political opposition sa Korea.