BAGUIO CITY - Nasakote ng magkasanib na operatiba ng Anti-Kidnapping Group at North Central Luzon-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na pagdukot sa isang bata habang wini-withdraw ang ransom money sa siyudad na ito.

Kinilala ni Senior Supt. Jimmy Catanes, Police Regional Office (PRO)-Cordillera, ang nadakip na si Lovelle Tobias Vernes, alyas Lovelle Viernes, 30, ng Barangay Bintawan, Villaverde, Nueva Vizcaya. Nabatid na may warrant of arrest din si Vernes sa large-scale illegal recruitment.

Ayon sa report, nahuli sa akto si Vernes habang wini-withdraw ang ransom money sa isang bangko sa Center Mall, dakong 2:45 ng hapon noong Setyembre 17, “kasama ang kinidnap niyang bata,” ayon kay Catanes.

Aniya, Setyembre 15 ng gabi nang dinukot ni Vernes ang apat na taong gulang na lalaki sa Bgy. Sta. Rosa sa Bayombong, Nueva Vizcaya. - Rizaldy Comanda
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race