blind-copy-copy

LAGANAP ang bahang dulot ng bagyong Mario kaya lahat ng major roads sa Metro Manila ay lubog at hindi madaanan ng sasakyan noong Biyernes. Mabuti na lang at hindi kami inabot dito sa Cubao area, kaya naman gustung-gusto namin dito dahil anytime na gusto naming pumunta sa mall ay puwede at walang dadaanang baha maski sa bukung-bukong.

Nagulat nga kami dahil ang sikat na mga artista na nakatira sa mga sosyal na subdivision sa Quezon City ay namumroblema pala dahil inabot din ng baha kaya hindi sila makalabas.

Hindi na namin babanggitin ang pangalan ng mga artistang ito, pero naririto ang tsikahan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Nakakaloka, ang mahal-mahal ng mga bahay at lupa dito sa _____ (sikat na subdivision), binabaha? Ang chaka ng drainage!” hiyaw ng kilalang aktres.

“Pababa kasi itong area ko, bundok daw kasi before itong _____ (isa pang sikat na subdivision) kaya hayan, may part na binabaha. Nakakatakot lang maski na hindi naman aabutin hanggang loob ng bahay,” sabi naman ng isa pang aktres na may serye ngayon.

Tili naman ng aktres din na may sariling building na ginawang paupahan: “Grabe, lubog na naman sa baha ‘yung lugar namin sa _____ (subdivision), tiyak na kawawa naman ‘yung tenants namin kasi hanggang leeg ang tubig sa kanila.”

Pinasok din pala ng baha ang bahay ng kilalang male singer kaya agad nitong inilikas ang kanyang musical instruments na ginagamit niya sa hanapbuhay.

Hindi itinanggi ng kilalang male singer na parati silang nakakaranas ng ganito kapag may bagyo pero hindi naman nila maiwan ang bahay dahil pundar ito ng mga magulang niya at higit sa lahat, hindi pa niya kayang magpatayo ng sariling bahay.