Hindi na mapipigilan ang pagsasagawa ng full-scale lifestyle check sa lahat ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil nagpulong na ang mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) upang talakayin ang mga proseso kung paano ito maayos na ipapatupad.

Sinabi ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, na kabilang sa mga miyembro ng TWG ang mga kinatawan ng National Police Commission (Napolcom) at Internal Affairs Service (IAS).

Gayunman, sinabi ni Sindac na maaaring lumahok sa TWG ang mga kinatawan ng Bureau of Internal Avenue (BIR) at Department of Finance (DOF), kasunod ng inihayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hihilingin niya ang opinyon ng mga opisyal ng nasabing dalawang ahensiya ng gobyerno upang makapagsagawa ng lifestyle check sa PNP.

Sa ngayon, may sariling lifestyle check procedures ang BIR at DOF. Sinabi ni Roxas na gusto niyang magpatupad ng kapareho nito sa PNP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Procedures are still being crafted by the TWG to ensure objectivity and attain procedure in fighting and eliminating corruption in the organization,” ani Sindac.

Nabatid na Setyembre 18 nang magpulong ang TWG sa unang pagkakataon.

Matatandaang nabuksan ang usapin sa lifestyle check makaraang matuklasan na multi-milyonaryo ang ilan sa mga pulis na sangkot sa kasong EDSA “hulidap”.

“There is nothing wrong with policemen getting rich. The problem starts when they get rich using their badge and through illegal activities,” sabi ni Roxas. - Aaron Recuenco