Umapela sa publiko ang estasyon ng radyo ng Simbahang Katoliko na galangin ang standee ni Pope Francis, lalo na sa mga nagseselfie kasama ang imahe.

Ito ang pahayag ni Radyo Veritas President Fr. Anton Pascual matapos makatanggap ng mga ulat na may ilang tao ang nagpapakuha ng larawan sa life-sized standee ng Papa habang “bumubungisngis,hinahawakan ang bumbunan at pinagtitripan ang kalbong bahagi nito”.

“Picture taking either selfie or groupie must be taken with utmost respect. Indecent poses, vulgar dresses, and anything that is disrespectful are not allowed at all times,” pahayag ni Pascual.

Upang maiwasan ang pambabastos sa standee, nagpalabas ang Radyo Veritas ng mga panuntunan sa pamamahagi at paggamit ng mga standee ni Pope Francis. Nakasaad sa guidelines na dapat may italaga na mangangasiwa sa mga establisimiyento, na magbabantay at magmamantine sa mga standee.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ipinamamahagi ng Radyo Veritas ang mga standee ni Pope Francis upang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa pagbisita ng Papa sa bansa sa Enero 15-19 ng susunod na taon. - Samuel P. Medenilla