ANG ear, nose, and throat (ENT) specialist na nagsagawa ng procedure sa namayapang komedyanang si Joan Rivers ay nabunyag na ang kanyang personal physician na si Dr. Gwen Korovin, ayon sa mga ulat.

Nakita sa mga ipinaskil na litrato sa Facebook ni Korovin na kliyente rin ng New Yorkbased specialist ang maraming celebrity na kinabibilangan nina Hugh Jackman at Daniel Radcliffe. Kilala siya bilang go-to throat specialist ng Broadway na tumutulong para maisaayos ang singing voice ng mga bituin gaya ni Patti Lupone.

Ayon sa TMZ, si Korovin ay hindi authorized na manggamot o mag-practice ng medicine sa Yorkville Endoscopy center, kung saan sumailalim si Joan noong Aug. 28 ng nakatakdang endoscopy kay gastroenterologist at clinic’s medical director na si Dr. Lawrence Cohen.

Pagkatapos ng procedure na ito, iniulat ng CNN na si Joan ay sumailalim din sa unauthorized vocal cord biopsy na isinagawa ng kanyang personal doctor.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pahayag ng opisina ni Korovin, “We do not comment on matters related to patients.”

Noong Setyembre 5, sinabi ng New York Medical Examiner’s Office sa TheWrap na hindi matukoy sa naging autopsy sa bangkay ni Joan ang sanhi o kung paano siya namatay, at kailangan pa ang mga karagdagang pagaaral upang matukoy ang tunay na dahilan nito.

Si Joan ay kaagad na isinugod sa katabing ospital, ngunit hindi nakarekober. Inilagay siya sa medically-induced coma at nasa life support nang siya ay mamatay noong Setyembre 4. - The Wrap