Ni SAMUEL MEDENILLA

Sinalubong ng mga demonstrasyon ng overseas Filipino workers (OFW) si Pangulong Benigno S. Aquino III sa second leg ng kanyang European trip sa Belgium noong Huwebes.

Nagdaos ng protesta ang mga kasapi ng Migrante-Europe sa harapan ng Egmont Royal Institute for International Relations sa Brussels, Belgium, kung saan nagtalumpati si Aquino sa Filipino community.

Sinabi ni Migrante International chairperson Garry Martinez na ipinoprotesta ng mga aktibista, na dumalo sa okasyon, ang naunang pahayag ni Aquino na bukas siya sa pagkakaroon ng ikalawang termino.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“It is a clear message to the international community that wherever Aquino may visit, Filipinos will always find a way to relay the message that they want him out,” ani Martinez.

“We do not want him to stay on until 2016, and especially beyond. We have had enough of four years of massive corruption, blatant subservience to US imperialist dictates and brutal leadership,” dagdag niya.

Ipinaabot din aniya ng grupo ang kanilang pagtutol laban sa pagsusulong ng pamahalaan sa charter change, na anila ay gagawing legal ang “anti-people policies.”

“We firmly oppose any moves for charter change meant to legalize BS Aquino’s anti-people policies, such as the Enhanced Defense Cooperation Agreement, 100% foreign ownership of lands and industries, and his refusal to abolish the much-hated pork barrel,” ani Martinez.

Nangako ang Migrante, sa pamamagitan ng kanilang mga miyembro sa Europe, ng mas marami pang mga protestang idaraos sa mga susunod na araw sa biyahe ni Aquino sa Europe upang isulong ang mga nabanggit na demand. Idinagdag niya na magdaraos sila ng isang malaking rally sa Linggo bilang paggunita sa ika-

42 taon ng Martial Law na may temang, “Never again! No to charter change and term extension!”