Naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo City ng pabuya sa makapagtuturo sa pinagtataguan ang dating Barangay San Luis chairman Andrei Zapanta at Barangay treasurer Alfredo Garcia, na nahaharap sa kasong graft at malversation of public funds at falsificaiton.
Dalawang daang libong piso ang naghihintay sa makapagbigay ng impormasyon para madakip sina Zapanta at Garcia, ayon sa pamunuan ng Antipolo City.
Inalis sa puwesto sina Zapanta at Garcia makaraang mapatunayan ng Ombudsman na may sapat na batayan ang reklamo ng mga guro sa Day Care center kung saan kinuha, sa pamemeke ng pirma, at binabawasan ang sahod ng mga ito (guro) noong 2010.
Samantala, P200,000 pabuya rin ang naghihintay sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ni Arnel Tumbali, alyas “Digoy,” na itinuturong gumahasa at pumatay sa isang 11-buwang sanggol sa San Juan City noong Agosto 1.