Filipino peacekeepers, pauuwiin dahil sa ebola. Ikinakaila ni Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na wala isa man sa 52 kongresista ang sangkot sa diumano ay anomalya sa P229.6 milyong milk feeding programs na ang pondo ay galing sa kontrobersiyal na Disbursement acceleration program (Dap).

Maging ang nakababatang kapatid ni pnoy, si Viel Aquino-Dee ay isinasangkot dito ng mga kritiko ng pangulo. Sabi nga ng mga nakaaalam tungkol sa programang ito: “Tell it to the marines”. Samakatwid, walang naniniwala na walang mambabatas na nakakuha ng pondo para sa milk feeding programs ang hindi nakinabang dito na pinondohan ng Dap nina PNoy at DBm Sec. Butch Abad.

* * *

Ang pilipinas ay kasapi ng United Nations organization. Bilang miyembro, nagpapadala ang pinas ng mga sundalo bilang UN peacekeepers sa Golan Heights at liberia. pinupuri ng mundo ang mga sundalong pilipino dahil sa sipag, pasensiya, tapang at katapatan sa tungkulin.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Gayunman, dahil sa paglaganap ng ebola virus sa West Africa, kasama ang liberia, Guinea at Nigeria, ipinasiya ng Department of Defense (DnD) na pauwiin muna ang Filipino soldiers upang makaiwas na mahawa sa nakakikilabot na ebola virus, na sa pinakahuling ulat ay mahigit nang 1,000 ang biktima.

Hanggang ngayon yata ay wala pang gamot na natutuklasan para rito bagamat may isang experimental drug na sinubukan sa ilang pasyente, kabilang ang isang US doctor na tinamaan ng ebola, na gumaling naman! may 331 Filipino peacekeepers sa Golan Heights at 115 naman sa liberia. ang 331- strong Filipino contingent ay bahagi ng united nations Disengagement Force (UNDF) sa Golan Heights samantalang ang 115 kawal ay bahagi ng un mission sa Liberia.

Mabuhay ang mga sundalong Pinoy! Mabuhay ang mga Pilipino!