Dahil sa pagsisiksikan ng mga preso at kakulangan ng seguridad, ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ng prosekusyon na ilipat si Senator Jinggoy Estrada sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bicutan, Taguig City mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Sa resolusyon na nilagdan nina Associate Justice Roland Jurado, Alexander Gesmundo at Theresa Estoesta, ibinasura ng Fifth Division “for lack of merit” ang mosyon na inihain ng prosekusyon na ilipat ang senador sa BJMP detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ipinaliwanag ng anti-graft court na dahil sa kakulangan ng tauhan at pasilidad ng BJMP upang matiyak ang kaligtasan ni Estrada na itinuturing na high-profile inmate, mas makabubuti na manatili ito sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center.

Partikular na tinukoy ng korte ang testimonya ni BJMP-National Capital Region (NCR) Director Senior Supt. Romeo Vio na hindi nila masisiguro ang kaligtasan ni Estrada sa Camp Bagong Diwa dahil sa kakulangan ng mga jail guard bukod pa sa mga nangyaring riot sa nakalipas na mga panahon. - Jeff Damicog

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho