INCHEON- Hindi panakakahablot ang Pilipinas ng gold medal simula pa noong 1962 at posibleng manatili sa ganoong sitwasyon, sub alit 'di mapipigilan ang left-hander na si Treat Conrad Huey mula sa matinding pagsubok.

"I would be disappointed if we won't reach the semifinals in doubles," saad ni Huey, ranked 18th sa world at No.4 sa Asia sa doubles.

Makikipagtambalan si Huey kay Ruben Gonzales sa men's doubles at Denise Dy sa mixed doubles.

Sa kanyang unang pagsubok sa Asiad may apatna taon na ang nakalipas, napatalsik si Huey at ngayon ay retirado nang si Cecil Mamiit sa tandem ng Chinese-Taipei sa quarterfinals. Pinataob din ng Chinese-Taipei ang men's team sa Round of Eight sa Guangzhou, China.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sumanib si Huey sa kanyang teammates sa training kahapon makaraan ang back-breaking trip mula sa Washington kung saan ay nakabase ang kanyang mga magulang.

Nagkaroon ito ng matagumpay na taon sa paglalaro ng doubles kasama si Dominic Inglot, ang England's No.1 doubles player.

Nagkaroon sila ng isang titulo sa Association of Tennis Professionals (ATP) sa season at umentra sa quarterfinals sa Australian Open.

Hindi pa nasisilip ng 28-anyos na si Huey na magretiro sa susunod na walong taon.

Sinabi nito na sadyang mahal niya ang laro at ' di siya napapagod na gumising ng maaga upang maglaro ng tennis.

Ang tanging panahon na kanyang nilisan ang laro sa mahabang period ay nang magtamo ito ng pinsala.

Gumagamit ito ng apatna raketa at pinapalaitan lamang niya ito matapos ang isang taon.

Bagamat may advancement na sa technology, nanatili si Huey na loyal sa kanyang lumang model racket, ang Head Prestige, na gawa sa carbon fiber.

Kahalintulad ng maraming tennis players, sinubukan rin ni Huey ang kanyang kamay sa pamamagitan ng golf na kanya nang kinagiliwan sa huling apat na taon.

"It's relaxing," pahayag ni Huey na natutunan ang sport sa kanyang ama na isang golf addict. - REY BANCOD