NEW YORK/PARIS (Reuters)— Idineklara ng United Nations Security Council noong Huwebes ang Ebola outbreak sa West Africa na “threat to international peace and security” sa pagakyat ng bilang ng mga namatay sa 2,630 at ang France ang naging unang bansa sa kanluran na nagdagdag ng suporta.

Inanunsiyo ni French President Francois Hollande ang deployment ng military hospital sa Forest Region ng southeastern Guinea, kung saan unang na-detect ang outbreak noong Marso. “We must save lives,” ani Hollande sa news conference.

Simula noon ang virus ay nanghawa na ng 5,357 katao, ayon sa World Health Organization (WHO), karamihan ay sa Guinea, katabing Sierra Leone at Liberia.

Kumalat na rin ito sa Senegal at Nigeria. Sinabi ni UN Secretary-General Ban Ki-moon noong Huwebes na lilikha siya ng isang special mission para labanan ang sakit at magpapadala ng staff sa mga estadong pinakamatinding tinamaan ng sakit.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“The gravity and scale of the situation now require a level of international action unprecedented for a health emergency,” ani Ban. Idinagdag niyang magtatalaga siya ng isang special envoy na mamumuno sa UN Mission for Ebola Emergency Response, na magsusulong ng “rapid and massive mobilization” ng mga tao, materyales at financial resources.

“This international mission ... will have five priorities: stopping the outbreak, treating the infected, ensuring essential services, preserving stability and preventing further outbreaks,” ani Ban sa isang emergency session ng Security Council.