Ipinahayag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na bibigyang konsiderasyon ng mga korte sa Cebu ang may mga hindi natapos na transaksiyon sa kanilang mga tanggapan dahil sa matinding baha sa lalawigan.

Ito ay kasunod ng ulat na ilang bahagi ng Cebu ang nalubog sa halos hanggang beywang na baha dahil sa magdamag sa pag-uulan, na pinaniniwalaang dulot ng bagyong ‘Mario’.

Sinabi ng ilang opisyal ng IBP na sapat nang dahilan ang masamang panahon para ipagpaliban ang mga pagdinig o iba pang court proceedings, lalo na kung posibleng maghatid ng peligro sa buhay ang pagpapatuloy nito.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race