Sa isinapublikong mga debate at talakayan hinggil sa pagboto ng Scotland para sa kanilang kalayaan o manatiling bahaging Great Britain, isa sa mga naging isyu ay ang posibleng epekto ng “Yes” vote sa iba pang kilusang pangkapayapaan sa daigdig. Partikular na tumutukoy ito sa mga kilusan sa Catalonia sa Spain; sa Flanders, Belgium; at sa Quebec, Canada.
Ang Catalonia, na ang kapital ay Barcelona, ay nagtatamasa ng political at cultural autonomy sa Sapin at isa na ngayon sa pinakamasiglang mga rehiyon ng naturang bansa. Pakay ng gobyerno ng Catalan na magdaos ng isang referendum hinggil sa posibleng kalayaan mula sa Spain ngayong taon. Para naman sa Flanders, ito ang Dutch-speaking na bahagi ng hilagang kanluran ng Belgium na French ang wika ng karamihan ng mamamayan. Gayundin naman, marami sa French-speaking Quebec ang naniniwala na may mainam na humiwalay sila sa Canada.
Iniisip natin kung sa Pilipinas, may ilan sa atin, tulad ng mga Catalan, Fleming, at Quebecois, ang may interes na sumusubaybay sa independence vote sa Scotland. Ang mga tagasulong ng Bangsamoro Political Entity ang maaaring unang tumanggi na may nag-iisip ng ganito sa kanilang hanay. Ngunit may ilang nagtataka kung bakit ang panukalang autonomous region sa Mindanao ang pumili na magkaroon ng isang parliamentary system, na may isang prime minister tulad ng component states ng Malaysia, sa halip na isang governor tulad sa maraming lugar sa Pilipinas na nasa presidential system.
Ang pagboto sa Scotland ay nagsimula 2:00pm (oras sa Manila) noong Huwebes at natapos pagkalipas ng 15 oras. Naghintay ang daigdig habang nagpapatuloy ang pagbibilang sa sumunod na mga oras upang alamin kung bumoto ang Scotland upang tapusin ang 307 anyos na political union nito sa England at Wales.
Kahapon ng hapon sa Manila, lumabas na ang pasya. Bumoto ang mga Scottish voter na manatili sa Great Britain at sa United Kingdom. Maaaring magkaroon ito ng epekto sa European Union, sa North atlantic Treaty Organization, at malamang sa malalayong lupain ng Spain, Belgium, at Canada, kung iba ang naging resulta ng botohan. Kung ano man ang desisyon – Yes o No – mananatiling malapit na kaibigan ang Pilipinas, kaalyado, at kaagapay ng Scotland na kasalo natin sa mga demokratikong kaugalian.