Inihayag ni Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla sa Senate hearing na magbabayad ang mga consumer ng karagdagang 10-15 sentimos per kilowatt hour (kWh) sa kalagitnaan ng 2015.

Bukod dito, hiniling din ni Petilla sa Senate Energy Committee, na pinamumunuan ni Senator Sergio R. Osmeña III, na isulong sa Kamara at Senado ang panukalang bigyan ng espesyal na kapangyarihan ang Pangulo upang masolusyonan ng gobyerno ang krisis sa kuryente.

Ang inaasahang 10-15 sentimos na dagdag singil sa kuryente ay hindi tulad ng P4 na ibinayad ng mga consumer nang nagkaaberya ang mga power plant noong kalagitnaan ng 2014, ayon sa kalihim.

Ipinanukala ni Petilla ang P6-bilyon pondo para sa “special power” ni Pangulong Benigno S. Aquino III at ito ay kukunin sa royalty ng Malampaya gas.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ipinagkibit-balikat din ng kalihim ang panawagan ng isang kongresista na magbitiw siya sa puwesto bunsod ng kinakaharap na krisis sa kuryente ng bansa.

‘’I will not reply. Marami akong problema na haharapin,’’ dagdag niya.

Isusumite ngayong linggo ng Malacañang sa Kongreso ang panukalang bigyan ng emergency power ang Pangulo upang matugunan ang lumalalang krisis sa kuryente.

Subalit sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi agad madedesiyunan ang kahilingan ng Palasyo dahil rerepasuhin pa ng komite ni Osmeña ang panukala.

Matapos ang dalawang public hearing sa panukalang 2015 budget para sa DoE, sinabi ni Osmeña na magpupulong ang isang technical working group upang pag-aralang mabuti ang panukala.

“We will definitely give the President special powers but how much power, how long that is that the committee will decide on,’’ pahayag ni Osmeña. - Mario B. Casayuran