Aarangkada na ngayong Sabado ang 10-day registration para sa Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa Pebrero 21, 2015.

Subalit hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa mga magrerehistro na subaybayan muna ang lagay ng panahon bago magtungo sa Office of the Election Officer (OEO).

“Monitor the weather and if there are still rains and floods just register next time. The registration period for SK is still up to September 29,” pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Sinuspinde ang kahapon ang klase sa lahat ng antas ng paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno bunsod ng matinding baha sa pananalasa ng bagyong “Mario” sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Inabisuhan din ni Jimenez ang mga kabataang Pinoy, na may edad 15-17 anyos, na silipin muna ang iRehistro.com upang makapagdowload ng registration form o punan ang online application form. “Submit na lang pag may pasok na,” pahayag ni Jimenez sa kanyang Twitter account @jabjimenez.

Base sa Comelec Resolution 9899, kailangang punan ng isang SK applicant ang isang kopya ng registration form. Maaari ring magpakita ang isang aplikante ng isa sa mga sumusunod: birth certificate; baptismal certificate; school record; o ano mang dokumento na magpapakita ng kanyang pagkakilanlan at iba pang kuwalipikasyon.