Naging matagumpay ang comeback trail ni dating WBC flyweight at OPBF bantamweight champion Malcolm “Eagle Eye” Tunacao matapos ang dikitang 5th round technical decision win kay Ryuta Otsuka sa Korakuen Hall, Tokyo kamakalawa.

Sa scheduled eight round bout, aksidenteng nagkaumpugan ang dalawang fighter na nag-iwan ng napakalaking sugat sa kaliwang mata ni Tunacao kaya itinigil ang laban sa eksaktong 1:56 sa fifth round, ayon sa report ng PhilBoxing.com.

Pinagulong muna ni Tunacao si Otsuka sa opening round at kontrolado ang kabuuan ng laban. Inihatag ng lahat ng mga hurado ang mga iskor na 50-46 at magkaparehong 49-46 kay Tunacao na nakabase ngayon sa Kobe, Japan.

Ito ang ikatlong sunod na tagumpay ng 36-anyos na si Tunacao (35-3-3, 20 knockouts) simula nang matalo via 12th round TKO kay World Boxing Council (WBC) champion Shinsuke Yamanaka,

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bumagsak naman ang 28-anyos na si Otsuka, dating Japanese flyweight title challenger, sa 14-7-2 kasama ang 4 knockouts. Kagagaling lamang niya sa 5th round TKO win kay Yosuke Fujihara matapos matalo sa technical decision kay Teiru Kinoshita.