Itinanggi ng National Food Authority (NFA) ang naiulat sususpendihin nila ang opisyal ng ahensya na nakatalaga sa Camarines Sur kaugnay ng pagkakadiskubre ng pulisya ng rebagging ng NFA rice sa nasabing lugar.

Nilinaw ni NFA-Regional Office V Acting Information Officer Lilibeth Jacob, na walang katotohanan ang ulat na nakatakda nang suspendihin sa posisyon si NFA-CamSur provincial manager Edna De Guzman.

Aniya, nananatili pa rin sa puwesto si De Guzman na siyang namumuno upang maresolba ang kaso.

Paliwanag pa ni Jacob, patuloy pa ang pangangalap nila ng mga ebidensya upang mas maging malakas pa ang kaso na laban kay Sarah Jane Yao, may-ari ng Sweet Fortune Commercial na sinampahan na ng kasong illegal possession of NFA rice, overpricing at rebagging kasunod ng pagsalakay ng Criminal Investigation and Detection Group sa kanyang bodega kamakailan.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Dahil dito, suspendido pa rin ang dalawang NFA rice retailer na sina Marilou Sayat at Amelita Reyes na pinaniniwalaang kasabwat ni Yao sa iligal na pagsasalin ng NFA rice sa commercial sack.