Isa sa mga batikos sa mga negosasyon sa Bangsamoro agreement ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay ang pagliban ng mga leader ng Moro National Liberation Front (MNLF). sa mga sandaling iyon, sinabi ng mga negosyador ng pamahalaan na ang mga MNLF leader, partikular na si Nur Misuari, ang inimbita sa usapin.

Kalaunan, nagtapos ang mga negosasyon sa isang kasunduan para sa pagtatatag ng isang Bangsamoro Political Entity na papalit sa autonomous Region in Muslim Mindanao (aRMM) – na minsang pinamunuan ng mga MNLF leader – na inilarawan ni Pangulong aquino bilang kabiguan.

Pinuri ang Bangsamoro bilang pinakamalaking pag-asa para matamo ang kapayapaan sa Mindanao, ngunit nananatili pa rin ang pangamba na may mga grupo ng Muslim sa labas ng MILF ang ihindi sumusuporta rito. Ilang araw matapos ang presentasyon ng Bangsamoro bill sa Kongreso, isang armadong grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakipagbakbakan sa puwersa ng gobyerno at kumitil sa buhay ng 12 mandirigma. Ngunit ang dapat pagtuunan ng mas masidhing pansin ay ang iminungkahing gawin ni Nur Misuari na labas sa usapin ng Bangsamoro.

Itong Oktubre, magpapadala ang Organization of Islamic Conference (OIC) sa Manila ng isang emisaryo upang magkaroon ng bagong pagsisikap na pag-isahin ang MNLF at MILF. ang OIC, na binubuo ng 57 Muslim/arab at ilang non-Muslim state, ay ang tinig ng 1.16 bilyong Muslim sa daigdig. Una nitong tinanggap ang Bangsamoro agreement bilang malaking hakbang tungko sa kapayapaan sa Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa daming nakikisakay sa inisyatiba ng Bangsamoro, mahirap maunawaan kung bakit may ilang opisyal sa ating gobyerno ay hindi kumikilos upang maalis ang mga balakid sa landas tungko sa pag-apruba ng Bangsamoro bill. Nais ng ad hoc committe ng Kamara sa naturang bill na imbitahin si Nur Misuari at ang BIFF founder na si ameril (Umbra) Kato upang alamin ang kanilang pananaw. Ngunit naiulat na hindi kikilos ang Department of Justice sa suspensiyon ng isang warrant of arrest kay Misuari upang makadalo ito sa Kongreso.

Papalapit na tayo sa dulo ng ating daan patungo sa kapayapaan. Magiging kamalasan kung ang huling balakid sa landas ay yaong ginawa natin.