Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa isinailalim sa Signal No. 1 ang Catanduanes, Isabela, Aurora, Cagayan, at Calayan Group of Island.

Binalaan din ng PAGASA ang mga residente sa mabababa at bulubunduking lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sinabi ng PAGASA na nananatili ang lakas ng hangin ng bagyo sa 65 kilometro kada oras habang may bugso itong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kahapon, bahagyang bumagal sa 24 kilometro kada oras pa-kanluran- hilagang kanluran ang bagyo habang papalapit sa Northern Luzon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Huli itong namataan sa layong 477 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado.